Ang pagkain sa isang mamahaling kainan ay mainam ngunit ang fast food pa rin ang mas pinupuntahan dahil sa madali itong mahanap at mas mura pa. Siyempre, hindi natatalo ang fast food pagdating sa mabilisang paghahanda ng pagkain. Pero, kahit sa mabilisang paghahanda hindi ito nangangahulugan na mababa ang kalidad nito dahil ang fast food ay binabalikan ng mga Pinoy.
Ano nga ba ang fast food?
Ang fast food ay kilala bilang isang pangkaraniwan o pangmasa na pagkain. Ang fast food ay sikat na uri ng pagkain na mabilis ihanda at kinahihiligan ito ng marami dahil sa kilalang masarap na lasa nito. Bakit nga ba tayo kumakain ng ng pagkain mula sa fast food? Dahil sa patuloy na pagtaas ng mga gastusin sa kasalukuyang pamumuhay, kaya, mas tumaas ang “demand” ng mga instant pagkain. At dahil sa pagiging abala ng mga tao sa kanilang mga sariling libangan, mas nanaisin nalang nilang pawiin ang kanilang gutom sa pamamagitan ng fast food dahil sa madali itong ihanda sa madla. Makakatipid ka rin sa oras at mabilis kainin, maaaring dalhin ito kahit saan, mas mura kaysa ibang pagkain at maaaring initin lamang. Ngunit, alam niyo ba na may epekto ang fast food sa ating kalusugan? Ito ay dahil sa mga sangkap na ginagamit, tulad ng; maraming asukal, asin, calories, at taba na maaaring naglalaman ng bakterya, kulang sa sustansiya, at sobrang nakakataba. Kaya, maaari tayong madapuan ng sakit na maaari nating makuha sa fast food, halimbawa nito ang sobrang katabaan. Dahil sa sobrang katabaan, pwede kang atakihin sa puso kaugnay sa pagkain ng fast food.
Kaya, kung ikaw ay inaalagaan mo ang iyong kalusugan at sinusubaybayan mo ang iyong timbang, ito ay isang mabuting paraan upang magluto ng malusog na pagkain sa bahay. Tandaan, “Healthy life, Healthy living”.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento