Sa araw-araw na pakikipagsalamuha at pamumuhay, hindi maipagkaila na dala-dala natin ang ating makapangyarihang cellphone. Sabi nila, ang cellphone ay parang buhay ng tao dahil kahit umulan man o umaraw, hapon man o gabi dala-dala pa rin ng tao ang kanyang cellphone kahit saang lupalop ng mundo pa siya mapunta.
Ano nga ba ang meron sa isang cellphone bakit hindi ito basta-bastang binibitawan at iniiwan ng isang tao? Ito ay dahil sa epekto ng modernong pamumuhay at dahil na rin nasa modernong panahon na tayo kung saan nasa mundo tayo ng teknolohiya. Alam naman natin na ang cellphone ay isang instrumento na ginagamit para makapagtext at makatawag. Pero, kung wala ba ang cellphone ay hindi tayo maka-communicate? Posible ’yang mangyari pero dahil parte na ito ng buhay ng isang tao kaya, hindi maaaring walang cellphone siya, sa pamamagitan kasi ng cellphone naging madali nalang ang pakikipagtalastasan ng isang tao lalo na sa mga may transaksyon o miting. Napapadali rin ang buhay ng isang tao dahil sa cellphone kasi kahit saang lugar ang kanyang kausap, madali nalang niyang ma-approach ito at sa isang sabi lang nandiyan na kaagad.
Samakatuwid, ang cellphone ay parang buhay ng tao dahil kahit saang parte ng mundo, konektado pa rin at daan na rin ito sa mga taong malayo ang kanilang mahal sa buhay.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento