Martes, Marso 12, 2013

Ano nga ba ang Trending sa Fashion ngayong 2013?



    Bawat taon ay tsansa upang makapagsimulang muli, pagbibigay disenyo sa lumang lifestyle at pagbibigay kulay sa mundo ng fashion.Ngayong taon 2013, bago na naman ang mga fashion trends kung saan bagong labas ng mga usong style ng damit na mababagay sa iyong awra.Katulad nalang ng damit na ito:

                          
SPORTY DRESS

Ang sporty dresses daw, "usually may thick collar, may pang-polo na top, usually may zipper or may stripes." Pwede itong ternohan ng heels o sneakers, depende kung gusto niyong gawing casual or formal ang inyong look.Kung formal, ternohan din ito ng mahabang necklace or cuffs.

   Hindi naman kailangan na maglabas ng maraming pera para bilhin ang mga damit na trending ngayong taon. Maging praktikal nalang tayo kung ano ang kaya ng bulsa 'yun na 'yun basta mababagay sa iyong awra. Pero, kung meron  mailabas go for it! live while we young!!! Makiuso, makibagay para sa pagbabago.

Usap Tayo Dito!

    Sinasabing ang pakikipagtalastasan ay hindi lamang isang likas na katangian ng tao kundi sa napakahalaga at pangunahing pangangailangan ng tao.  Napapataas at napapanatili rin niya ang kanyang pagkilala sa kanyang sarili at  nalilinang ang kakayahang mapahusay ang kanyang pakikipag-ugnayan at pakikipagpalitan ng impormasyon o kabatiran sa ibang tao.

Katulad ng Facebook, isang social networking site kung saan   makisalamuha ka at magkaroon ng komunikasyon sa  kaibigan, kamag-anak at mga miyembro ng pamilya na malayo sa iyo. Tinutulungan ka ng Facebook na kumonekta at makibahagi sa mga tao sa iyong buhay. Hindi  lang iyan, kundi ang makiuso at makalamang sa buhay.

Sa pamamagitan din ng Facebook, naging mabilis nalang ang buhay at lalong lalo na ang pakikipagkomunikasyon sa ibang tao. Samakatuwid, naghahatiran at nagpapalitan din ng ideya, impormasyon,karanasan, at mga saloobin ang mga taong konektado dito, at pinapauunlad  ang sarili, ang ibang tao, at mga nakapaligid.
 Tulad ko, isa ako sa milyon milyong gumagamit ng facebook at nakikita ko talaga ang pagbabago lalong lalo na sa pang-araw-araw na pamumuhay. Kapag online ako, iba't ibang tayo ang nakakausap ko, at kahit anong lenggwahe pa ang kanilang sinasalita, mapatagalog man o Ingles o sariling Wika, ang mahalaga alam ko kung saan ako didistansiya.

Kaya, kung sa palagay mo ang facebook ang isa sa source of happiness mo at nagtataglay  ng ngiti sa iyong labi basta’t hindi nakakaapekto sa buhay mo o sa buhay ng iba o sa iyong trabaho; go for it! Life is short and lives life to the fullest. Kasi, maraming bagay na tayong hindi na pwedeng gawin kung tayo’y matanda na. 


  

Lunes, Marso 11, 2013

Impluwensiya ng "K-POP"

   Ang K-pop ay naging popular sa kultura ng mga kabataan sa buong mundo, na nagbunga ng laganap na interes sa pananamit at estilo ng mga iniidolong grupo ng mga Koreyano at mga mang-aawit. Sa pamamagitan ng mga Facebook fan pages, iTunes, Twitter, at music videos sa Youtube, ang abilidad ng K-pop na maiparating sa mga dati’y hindi ma-abot-abot ng mga tagapakinig, pero dahil  sa pamamagitan ng Internet ay naging mas madali ito. Ang mga ito ay naging daan upang ang K-pop ay maging isang tampok at popular na kategorya ng musika.


Ang impluwensiya ng K-pop ay lumalabas na rin sa Asya, katulad ng Amerika, Canada, at Australia. 

Upang mas mapalaki ang mundo ng K-pop, madami na sa kanila ang nakikipagtrabaho na din sa mga artista ng ibang bansa. Ngayon, ang Timog Korea ay isa sa mga pinakamalaking tagalikha ng kontemporaryong musika o pangkasalukuyang musika sa Pasipiko. Ang kanilang popular na kultura ay nagdulot ng malaking impluwensya sa kontemporaryong musika sa Pasipiko, lalong lalo na sa China, Hong Kong, Japan, Taiwan, at Vietnam. Ang K-pop din ay unti-unting nagkakaroon ng posisyon sa rehiyon, katulad ng posisyon sa musika. 

Marami na sa mga sikat na grupo ng K-pop katulad ng BoA, TVXQ, SS501, BIGBANG, KARA, Girls' Generation, BEAST, MBLAQ, 2PM, Super Junior, SHINee and 2NE1, ang nagsimulang pasukin ang industriya ng musika sa Japan. 



      Sa ngayon, ang paghubog ng mga talento ang ginagawang estratehiya para sumikat ang mga girl's group, boy's band at solo artists sa industriya ng K-pop upang masigurado ang mataas na posibilidad ng pagsikat ng isang talent at may mga ahensiyang tumutulong rin sa kanila na nagbabantay at nag-aalaga ng kanilang career. 

Mahilig ka ba sa Fast food?



    Ang pagkain sa isang mamahaling kainan ay mainam ngunit ang fast food pa rin ang mas pinupuntahan dahil sa madali itong mahanap at mas mura pa. Siyempre, hindi natatalo ang fast food pagdating sa mabilisang paghahanda ng pagkain. Pero, kahit sa mabilisang paghahanda hindi ito nangangahulugan na mababa ang kalidad nito dahil ang fast food ay binabalikan ng mga Pinoy.

Ano nga ba ang fast food? 


Ang fast food ay kilala bilang isang pangkaraniwan o pangmasa na pagkain. Ang fast food ay sikat na uri ng pagkain na mabilis ihanda at kinahihiligan ito ng marami dahil sa kilalang masarap na lasa nito. Bakit nga ba tayo kumakain ng ng pagkain mula sa fast food? Dahil sa patuloy na pagtaas ng mga gastusin sa kasalukuyang pamumuhay, kaya, mas tumaas ang “demand” ng mga instant pagkain. At dahil sa pagiging abala ng mga tao sa kanilang mga sariling libangan, mas nanaisin nalang nilang pawiin ang kanilang gutom sa pamamagitan ng fast food dahil sa madali itong ihanda sa madla. Makakatipid ka rin sa oras at mabilis kainin, maaaring dalhin ito kahit saan, mas mura kaysa ibang pagkain at maaaring initin lamang. Ngunit, alam niyo ba na may epekto ang fast food sa ating kalusugan? Ito ay dahil sa mga sangkap na ginagamit, tulad ng; maraming asukal, asin, calories, at taba na maaaring naglalaman ng bakterya, kulang sa sustansiya, at sobrang nakakataba. Kaya, maaari tayong madapuan ng sakit na maaari nating makuha sa fast food, halimbawa nito ang sobrang katabaan. Dahil sa sobrang katabaan, pwede kang atakihin sa puso kaugnay sa pagkain ng fast food.

Kaya, kung ikaw ay inaalagaan mo ang iyong kalusugan at sinusubaybayan mo ang iyong timbang, ito ay isang mabuting paraan upang magluto ng malusog na pagkain sa bahay. Tandaan, “Healthy life, Healthy living”.

Ang cellphone ay parang buhay ng tao


Sa araw-araw na pakikipagsalamuha at pamumuhay, hindi maipagkaila na dala-dala natin ang ating makapangyarihang cellphone. Sabi nila, ang cellphone ay parang buhay ng tao dahil kahit umulan man o umaraw, hapon man o gabi dala-dala pa rin ng tao ang kanyang cellphone kahit saang lupalop ng mundo pa siya mapunta.
Ano nga ba ang meron sa isang cellphone bakit hindi ito basta-bastang binibitawan at iniiwan ng isang tao? Ito ay dahil sa epekto ng modernong pamumuhay at dahil na rin nasa modernong panahon na tayo kung saan nasa mundo tayo ng teknolohiya. Alam naman natin na ang cellphone ay isang instrumento na ginagamit para makapagtext at makatawag. Pero, kung wala ba ang cellphone ay hindi tayo maka-communicate? Posible  ’yang mangyari pero dahil parte na ito ng buhay ng isang tao kaya, hindi maaaring walang cellphone siya, sa pamamagitan kasi ng cellphone naging madali nalang ang pakikipagtalastasan ng isang tao lalo na sa mga may transaksyon o miting. Napapadali rin ang buhay ng isang tao dahil sa cellphone kasi kahit saang lugar ang kanyang kausap, madali nalang niyang ma-approach ito at sa isang sabi lang nandiyan na kaagad.
Samakatuwid, ang cellphone ay parang buhay ng tao dahil kahit saang parte ng mundo, konektado pa rin at daan na rin ito sa mga taong malayo ang kanilang mahal sa buhay.